Hello, guest!


This is my info blog and it is my pleasure to welcome you here.

Feel free to browse the various pages of this site. I hope you do find here the interesting features, facts & information for you. I do enjoy surfing the net and constantly updating featured entries here. Should you have any sort of question or clarification, please do not hesitate to contact me via email.

Again, thanks for stopping by and comeback often.

Photobucket

Gising, Friend !

Saturday, May 17, 2008


Tumatanda ka na, frend !

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka.

Ang hirap nang magtiwala. Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

PERA. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang chicken joy ang ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapag-swimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.

Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa, sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.

Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, ngayon abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

Frend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.

Kahit anong gawin mo para sumaya...panandalian lang lahat ng pwedeng ibigay ng mundo sayo. Iisa lang ang pwedeng magbigay ng kasiyahan na hinahanap hanap ng puso mo... at yan ay manggagaling sa mismong nagbigay ng buhay mo


0 comments

AddThis Social Bookmark Button

0 comments: to “ Gising, Friend ! so far...

I Am Me

My photo
"i am nothing special of this i am sure. i am a common man with common thoughts and i've led a common life. there are no monuments dedicated to me and my name will soon be forgotten. but i've loved someone with all my heart and soul. and to me, this has always been enough."

For comments/suggestions to improve this blog, please drop me an email at:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket